yehey! 1st term of my second year is already over! what a very stressful term. para siyang tubig sa dagat na humampas sa akin, pero thank God, nakatayo pa rin ako. ang dami kong struggles ngayong term. pero mas marami ang blessings!
salamat. salamat kasi pumasa ako sa Multivariable Calculus (naluha talaga ako nung finals. do or die kasi.). salamat din kasi pumasa ako sa Physics Lecture (hindi ako makapaniwala sa mga grades na nakita kong nakapost. parang malayo mangyari sa mga inaasahan.). super salamat.
hayan. pwede na akong magpakaligayang todo sa Induction namin sa weekend. super excited. :)
what to do next? syempre, kelangan matulog muna ako. ang daming hours ang kailangan bawiin. haha. tapos magbabad sa tv at sa internet. grabe puro katamaran ang gagawin ko. haha. eh kasi naman ilang days lang ang termbreak, and then sabak na naman sa 2nd term.
teka, magpa-promise ba ako ulit na pagbubutihan ko na next term? mukang napako na siya dati pa. sinabi ko yun after kong makakuha ng 3.00 na grade sa Differential Calculus (na naging rason kung bakit nawala yung scholarship ko.). sabi ko gagalingan ko sa Integral Calculus. eh kamusta naman at 3.00 pa rin yung grade ko (at lalo nang nawalan ng liwanag yung scholarship ko. haha). then pagdating sa Multivariable Calculus, bigla kong pinangarap na sana nag-aral ako ng mabuti nung diffcal at integ pa lang, kasi sobrang nahirapan ako. ayun, nagbunga lahat ng paghihirap ko na iahon ang sarili sa mga failed na quizzes. ang bait ni Lord!
kanina habang naglalakad ako sa may paakyat ng underpass, inisip ko yung Physics ko. sabi ko sa sarili ko, ano na kaya magiging grade don, eh ang baba ng quiz 2 and 3 ko (wala pang result pero expected ko na..), then naisip ko na why should I worry? pabayaan ko na lang yun since wala na akong magagawa kasi tapos na ang finals ko doon. then i just said "Thy will be done..". tapos pag-open ko ng mymapua account ko, ang word na "taken" sa tabi ng multivariable calculus ang tumambad sa akin. yes! pasado. hello math108 and math111 next term!!
hindi ako grade-concious, gusto ko lang magkaroon ng scholarship ulit. at dahil hindi pa lumalabas ang grades ngayon term, hopefully magkaroon ako. kung wala, ok pa din.
yehey talaga. :)
change topic..
i'm currently hooked sa song ni Jojo na "beautiful girl". i'm loving it! haha.
namiss ko na kaagad ang HSM table, ang mga tao don, pati ung grafiti na lagi namin sinusulatan. namimiss ko sila kaagad. waah, naattach na ako sa kanila. :) hopefully, mag-enjoy kaming lahat sa induction (teka, ilang beses ko na ba binanggit ung induction dito??).
ayun lng. super thanks! :)
God bless everyone!
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
No comments:
Post a Comment