after a week of stress, finally, isa na lang ang natitirang exam ko tomorrow. and that's Environmental Engineering. medyo tinatamad na nga ako mag-review don which is probably because yun yung last exam ko. pero since hindi naman ako namomroblema sa subject na yun, i might as well study pa rin, sayang din yung grade ko na makukuha don, makakahila din ng GWA. (ok, kelan pa ako naging grade concious? yuck!)
my Physics departmental exam went okay, yun nga lng i'm not really sure about some of my answers. tapos hindi pa namin alam yung status namin sa subject na yun since ung prof namin ay hindi pa pinopost ang grade namin. kamusta naman ang pagiging Juan Tamad ni sir?
on the other hand, my Multivariable Calculus exam is brain-cracking! huhu. nakakaiyak siya promise kasi ewan ko ba. basta 8 out of 10 lang yung nasagutan ko..tpos hindi ko pa sure yun lahat! pano na ako niyan??
my linear algebra exam is scheduled at 5-7 pm on the same day (Sept 18). since wala yung name ko sa list ng mga exempted sa finals, hindi pa rin ako nag-aral. haha. the night before kasi, calculus yung inaral ko..as in yun lang. parang hindi dalawa yung exam ko the next day. tapos kinabukasan, after ng exam ko ng calc (mejo naiiyak pa ako non), nag-lunch ako with Abie ( na may exam din ng 5-7). Tapos nag-aral na kami ni Winwin sa periodical section (first time ko don hehe). napipilitan ako mag-aral sa Linear Algebra. then andon din si Bobi (si bobby yun, binigyan ko lang siya ng nickname haha! payag naman siya eh!) nakikigulo. mga bandang 3:00 na kami nagseryoso mag-aral. haha. then exams na.
andon na ako sa room. nagsasagot na ng item no. 1, tpos biglang pumasok si Sir. tpos may inannounce. "The following students are exempted..". eh akala ko babasahin lng ni sir yung naka-post na listahan sa department kaya nagsagot na lang ako. tapos nagulat ako nung tinawag ako. wahaha. exempted ako! ang saya. pagkalabas ko ng room, nag-thanks pa ako kay Sir. hehe. medyo naasar ako nung paglabas ko ng room kasi nag-antay pa ako from 12-5 pm para mag-exam don, tpos hindi naman pala matutuloy. pero masaya din, kasi exempted ako sa finals. may rason pa rin para mag-saya.
mga 7pm natapos yung exam don. while waiting for bobi (sabay sabay kasi kami uuwi with abie), andon lang ako sa HSM tambayan, nakikipagkulitan. nagulat si bobi nung sinabi kong exempted ako, kasi nga sabay pa kami nag-aral, tapos ang alam din niya hindi ako exempted. nakakatawa nga eh. haha. ang sama ng tingin niya sa akin. wahaha.
it was such a looooong day. nung nasa may pedro gil na ako, nakita ko si Pao (a UST friend). small world. haha.
i'm super duper excited na sa upcoming induction namin sa HSM. it'll be on Sept 23-24 at Sitio Lucia (Sta. Maria, Bulacan). i hope na mga-eenjoy kaming lahat. and sana huwag umulan. hehe. :)
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
No comments:
Post a Comment