Thursday, July 5, 2007

i miss you my friend.

hey. i miss you. i know na imposibleng mabasa mo itong entry kong ito pero ok lang.

i miss you so much. kung pwede lang sanang bumalik sa time na mag-seatmates tayo, babalik ako. namimiss ko yung mga time na pinapatawa mo ako ng walang dahilan. yun bang minsan gusto ko na lang mainis sa iyo kasi nakukulitan na ako, pero hindi ko pa rin magawa kasi instead na magalit ako, natatawa na lang ako tuloy. i guess ganon ka nga talaga. clown. hehe.

minsan iniisip ko kung sino ba nagbago sa atin. ako ba? kasi lumipat ako ng school? o ikaw? kasi nasa ibang college ka na? i guess wala naman. siguro yung distance natin ung nakapagpabago sa atin. pati yung time. kinain na ng time gap yung mga panahong hindi na tayo nakapag-usap. kaya siguro nasanay na lang tayo na ganon. hanggang sa umabot sa one year na hindi na tayo nag-usap. nakakagulat ba? ako nga nagulat ako eh.

ano ba? ano pa bang kelangan kong gawin?

nung una, xempre nagalit ako sa iyo. pero naisip ko na, wala namang mangyayari kung magagalit ako sa iyo. lalo lang magkakaroon ng gap.

habang nananatili kang tahimik, lalo lang akong nahihirapan. kasi parang wala kang pakialam.parang okay lang sayo na ganto na lang.

sige na. usap na tayo friend.

gusto ko na bumalik ung friend kong laging nagpapatawa sa akin. yung nag-introduce sa akin ng "sound of silence", yun pala wala naman pala talagang sound. yung mga times na muntik na akong pagalitan dahil sa kaingayan mo. natatawa pa rin ako pag naaalala ko yung mga profs na ilang beses natin tinawanan. at thank you rin sa pagiging ultimate na taga-pilit, kasi lagi mo akong pinipilit na sumama pag ayoko sumama sa mga lakad ng section natin dati.

friend
,
super miss na kita.usap naman tayo.


No comments: