Saturday, October 6, 2007

unang sabak

what a week. this year's second term is very different from the previous ones that i had. hayy. God bless to me.

as usual, i'll gonna describe my new set of profs. puro guess who lang ito. haha! good luck.

PHY120
(Physics 2 Lecture)

actually, siya yung proctor namin nung finals sa PHY110 last term. nakakatakot siya infairness. maybe because he's physically intimidating. hindi nga siya mukhang professor, mukha siyang varsity player. haha! anyway, dahil nga nakakatakot yung itsura niya, nakakatakot din yung mga feedback na naririnig ko from my orgmates. well, kinda true. alam niyo bang nag-diagnostic exam na kami nung second meeting?? buong physics 1 yung coverage. mabuti na lang nakasagot ako. yehey. pero kelangan ko talaga mag-aral ng mabuti..sabi nga niya, 7 students lang yung pinasa niya. ngayong term kaya?? hehe. isa kaya ako sa mga "chosen fews" na papasa sa subject niya?

PHY120L
(Physics 2 Laboratory)

isang masipag na prof! haha. first meeting palang, ibinigay na niya yung photocopied manuals namin. at takenote, siya yung nagpa-photocopy ng lahat. o db? and since wala kaming class ngayong friday, nagbalak na siyang mag-experiment nung first meeting. cmon. buti na lang at hindi natuloy. yey. well, ok naman yung mga feedback sa kanya. yehey, wala ng research related sa mga experiments. wala na ring pre-lab! woohoo.

MATH108
(Differential Equations)

i'm starting to love this subject. haha. compared sa mga previous kong calculus subjects, i find this one much much more interesting. kahit 3:00-4:30 yung sched ko (at totoong nakakaantok yung oras) every mwf, nag-eenjoy pa din ako. :) sana magtuloy tuloy. regarding sa prof, he's the brother of my previous prof sa Math102 and Math107 (ok Mapuans, madali lang hulaan!). he's somewhat similar to his brother.

MATH111
(Discrete Mathematics)

i like this prof! she's very positive. and i like the way she shares her thoughts about life. nakaka-inspire mag-aral talaga. and of course, she's the adviser of our org. haha. :D

ENG201
(English for the Workplace 1)

ayon sa isa kong friend, demanding daw siya. well, i guess totoo nga. imagine, we were already asked to do some resumes and stuffs. hayy. akala ko tuloy pahinga ako ngayong week-end. hindi pala. :P pero thankful pa rin ako sa kanyang "bingo game" because i got 1.75 in her first activity. :D

that would be all. i was already tired this week. pano pa kaya sa mga next weeks? haha. ngayon ang time na kailangan magseryoso. aral kung aral. :)

by the way, just wanna share this experience..


halimaw ang size ng feet ko. ang laki! haha.

nakakatuwa kasi first time kong pumasok sa school ng naka-slippers! actually, allowed naman talaga yung slippers, bawal nga lang yung rubber flipflops. pero madami pa rin mga pasaway na pumapasok na naka-rubber slippers! hmph. i bought these pair not because gusto ko din magpakapasaway sa campus, it's because almost everyday, umuulan sa manila, especially pag hapon. eh nababasa kasi yung mga leather na sandals and slippers ko, baka masira. kaya i decided na bumili. :) ayon, first time kong sinuot ito sa school, kinakabahan ako nung malapit na ako sa id scanner kasi andon yung mga school guards. thankful naman ako at hindi ako sinaway, kasi hindi naman mukhang rubber yung slippers ko! haha. pero rubber yung straps niyan. ung sole, hindi. :) hayan, nawili tuloy ako na pumasok na naka-slippers sa school. mas relaxed kasi eh. :) that's all.

ayun lang muna. :) Have a blessed week everyone! :)

1 comment:

Anonymous said...

waw slipper girl ka na! =D