one time, dumungaw ako sa window ng dorm. week before finals non kaya madaming quizzes. and that time, nag-decide ako na magpahinga muna for a few minutes and yun nga, dumungaw ako sa window.
nakita ko yung mga bata. siguro isa na rin sa mga reasons ng pagkakatigil ko sa pag-aaral that time eh dahil ang ingay nila (sigawan at kantahan). pero nag-wonder ako bakit ang saya nila. kaya out of curiousity, tiningnan ko sila.
ang saya nala infairness. kumakanta sila nung "Itaktak Mo" song, with matching dance steps pa. at infairness ulit, memorize nila ung steps. tapos biglang nagsisigawan na sila (hindi ba sila magkarinigan??), biglang nag-away, nag-iyakan. kasi daw mali yung sayaw nung isa, tapos may mga sumasali na hindi naman daw kasali, may mga nanggugulo lang. haha. mga simpleng bagay, pinagaawayan. pero sa simpleng dahilan din, nagkakabati sila. ayun, masaya na ulit silang naglaro. and buti naman, lumayo na sila, dahil malamang eh ndi na ako maka-aral sa ingay nila!
realization: medyo nainggit ako sa mga batang yon. siguro kasi hindi ko naranasan yung maglaro sa labas in the wee hours of the night kasi nung ka-age ko sila, lumipat na kami ng residence. eh nung time na andito na kami sa dasma, wala talagang tao dito sa subdivision, as in puro damo lang at hangin. hehe. di tulad ni kuya, makulay ang childhood. haha! kamusta naman yon at nainggit ako. hehe
kung tatanungin mo ako kung ano ang alam kong laro, ang isasagot ko ay taguan, piko, taya-tayaan. nakakahiya man aminin, hindi ko alam ang rules and regulations ng patintero. nakakahiya. haha. pero ang alam ko lang dapat malagpasan ko yung mga tao. hehe. sori ah! :D
hindi rin ako marunong umakyat ng puno. grabe.
isa din sa mga narealize ko that time, ang dali lang nila magbati noh? sa konting daldalan lang, bati na kaagad sila. unlike sa age natin ngayon, kapag may misunderstanding, matagal magkasundo. kailangan ng matinding agreement. worst case eh yung bigla nalang kayong magkakalimutan ng walang dahilan.
nakakainggit, sana bata na lang ulit ako. wala kasi masyadong pinoproblema. wala masyadong worries.
gusto kong maging bata ulit, para masaya. haha!
**isa tong walang kwentang post**
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
No comments:
Post a Comment